Posts

Showing posts from 2016

PAKWAN SA TAG-INIT (tagalog blog)

Wah! ang laking pakwan nito at sobrang tamis pa.  Diyan namin binili malapit sa Pang Pang market (Angeles City, Pampanga) ang ganito kalaki 350 pesos pero tinawaran namin kaya binigay sa amin ni ate ng 300 pesos nalang.  May mas malaki pa dito halagang 400 pesos.  Pangatlong bili na namin kay ate kaya suki na niya kami kaya pinipilian niya kami ng talagang matamis at hindi talaga masasayang ang pera namin.  Kaya yun binabalik-balikan namin siya mag-asawa. Gustong gusto ko ito lalo na ngayong tag-init (summer) pang tanggal ng uhaw kesa uminom ng softdrink ito natural pa.  Kung malapit kayo sa Angeles City at nagagawi kayo sa Pang Pang Market puntahan niyo si ate.  Madali makita tindahan niya kasi siya lang ang nagtitinda ng maramihan talaga at malalaking pakwan. Sige gang dito nalang have a nice day!

PAANO MAGING MASAYA?

Lagi tayo nag-tatanong sa sarili natin paano ba maging masaya? search ng search sa google, hanap ng hanap sa labas pero hindi matagpuan.  Alam ko ang saktong pakiramdam kasi isa ako sa mga taong yun.  Pero na realize ko na hindi sa labas nakikita ang kasiyahan, hindi sa ibang tao, at lalong hindi sa materyal na bagay. Marami sa atin kayod ng kayod buong buhay nila nakulong na sila sa trabaho nila, para makabili ng mga materyal na bagay na akala nila ikasasaya nila pero kapag nakuha na nila sasabihin nila sa sarili nila "ah ito na to?" sa una oo masaya sobrang exciting pero pagkalipas ng ilang araw malungkot na ulit.  Ang materyal na bagay ay pansamantala lang, hindi siya magbibigay ng tunay na kasiyahan sa tao. Ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan sa sarili niyo mismo, sa loob niyo, hindi sa labas o materyal na bagay.  Ang kaligayahan ay simple lang hindi mo kailangan magpakahirap para makuha ito. Dati isa din ako sa taong hanap ng hanap ng kaligayaha...

THE LIFE CHANGING MAGIC OF TIDYING UP (tagalog blog)

Image
Guyz share ko lang itong napakinggan ko sa youtube, para doon sa hindi pa nakaka-alam o nakakabasa nito, try niyo, malaki ang mawawala sa inyo kapag hindi niyo basahin ang libro na ito.  Nung napakinggan ko siya sa Audio, dali-dali kung pumunta sa kabinet ko para tingnan yung mga gamit ko at iligpit, at tama marami sa atin kabilang na ako ang kahit di kailangan o nagagamit nakatambak lang ang gamit o damit, tapos bili ng bili kahit di kailangan.  Basta basahin niyo malaki mababago sa life niyo. ito yung you tube audio niya:

ISANG SALITA NA SUSI SA ISANG MASAYA AT MASAGANANG BUHAY

Image
Sa paglalakbay ko sa buhay kung ito isa ang pinaka importanteng natutunan ko na gusto kung ibahagi din sa inyo.  Isang salita na karamihan sa atin hindi manlang magawa kasi naka pokus ang utak natin sa mga problema at iba pa.  Isang salita man pero malaking epekto sa ating buhay. Yun ay ang salitang SALAMAT na alam ko naman dati pa, pero kapag magpasalamat wala sa puso.  Puro reklamo pag-gising palang ng umaga, nagrereklamo dahil lunes nanaman o kahit sa simpleng reklamo lang na madaming hugasan, malaking epekto pala iyon sa buhay natin.  Imbes na magreklamo dapat matutunan natin ang GRATITUDE.  The more na mag pasalamat ka the more na lalapit sayo ang blessing plus you have a happier life, magpasalamat tayo kahit sa simpleng bagay lang tulad ng pag-gising sa umaga dahil dun ay may isang araw nanaman tayong pagkakataon na magagawa natin ang lahat ng gusto nating gawin sa buhay.   At ginagawa ko nga ito araw-araw sa ngayon at tama nga mas lumalap...

CLARK SUNVALLEY GOLF CLUB

Image
Last Saturday galing kami dito ng asawa ko sa Clark sunvalley golf club, pero hindi para mag golf, wala naman kasi ako hilig, asawa ko medyo.  Sabi ng asawa ko punta daw kami dito para mag-pahangin, first time namin dito, nakita lang ito ng asawa ko sa Internet.   Wala naman bayad ang pag-pasok basta hindi lang closing time, kaso nag-punta kami mga 5 na ng hapon sarado na yun, kaya nung tinanong ang asawa ko ng guard ano gagawin namin sa loob sabi ng asawa ko "pick up", pinapasok kami kahit wala naman kaming pi-pick upin, diskarte lang talaga sa buhay eh ahahaha.  Ang ganda ng view saka ang sariwa ng hangin, gusto ko ulit bumalik, libre naman eh. Sabi nang asawa ko sana daw nagdala kami ng malamig na beer para habang pinapa-nood ang paglubong ng araw umiinom kami, ganun lang kami mag-asawa yung isang can ng beer hati na kami doon parihas kasi kaming hindi mahilig sa alak pero umiinom kami paminsan minsan.  Naalala ko kasama ang can beer sa pinamili...

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

Image
Sino ang batang 90's diyan? kung isa ka sa batang 90's makaka-relate ka sa kwento ko.  Naalala ko lang itong cartoon na Tom Sawyer, nag-babrowse lang kasi ako sa youtube ng makita ko ang movie ng tom sawyer, naalala ko nung highschool ako pinalabas to sa abs-cbn sa panghapon, monday to friday excited kami umuwi galing school ng kapatid kung pangatlo na si Amy para mapanood lang ito.  Pang-umaga kasi kaming dalawa kaya sa hapon kami ang sabay umuwi.  Ang bunso naming kapatid noon nasa grade 6 pang hapon at si Anna ang pangalawa 2nd year high school panghapon din, kaya kaming dalawa lang ng kapatid kung si amy magka-bonding sa hapon.  First year highschool siya at fourth year highschool ako. Naalala ko bago mag-simula ang palabas bibili muna kami ng kapatid ko sa tindahan ng ube tinapay kapag wala bread stick partner ng pop cola syempre ambag kami sa natira naming baon, para habang nanood nag memeryenda.  Sobrang saya na namin noon. Napaka simple ...

BOOM CHICKEN

Image
Favorite ko talaga ang chicken ng BOOM CHICKEN, kripy siya saka sarap talaga, hapunan namin kagabi kasi gusto ko sana kain kami sa burger king kaso hindi naman kami napad-pad sa clark sabi ng asawa ko next week nalang daw, tuwing sabado at linggo lang kasi kami nakakagala o nakakapag-date, anyway! kung located kayo dito sa Angeles City Pampanga, puntahan niyo at try niyo din.  Sa tuwing bumibili kami ng take-out bucket chicken sa kanila halos pilipino ang costumer nila, ibig sabihin masarap talaga click niyo ito --> BOOM CHICKEN nandiyan ang menu at iba pang information ng foods nila.

PINAKAMASARAP NA STRAWBERRY

Image
Alam niyo ba guys kung saan ko natikman ang pinakamasarap na strawberry?... oops! mali kayo hindi sa Baguio kung hindi sa South Korea, kung saan-saang bansa na kami nakarating mag-asawa at natikman ko din ang mga strawberry nila walang kasing tulad ang sa Korea, nakakatuwa ang strawberry nila ang lalaki at juicy na super duper tamis pa. Naalala ko pa nung bata pa ako, mga elementary days ko, nakakatikim lang ako ng strawberry kapag palaman sa tinay (strawberry jam) o kaya strawberry flavor ng mga biskwet, sarap na sarap na ako nun, one time nakarating ang tatay ko ng baguio, nag-uwi siya ng madaming strawberry maliliit yung size niya tapos pagkagat ko maasim pero yung amoy strawberry talaga, sabi ko sa tatay ko "ay hindi pala masarap ang tunay na strawberry?" kasi ang pagkaka-alam ko sa strawberry e matamis at juicy gaya ng nakikita ko sa mga picture. Yung nakikita ko sa picture at pagkaka-alam kung lasa ng strawberry ay sa Korea ko natikman, tuwing panahon ng spring a...

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE

Image
Almusal tayo guys pansit canton chili kalamansi flavor saka toast bread at siyempre hindi mawawala ang kape ko, hindi kumpleto ang umaga ko kung wala ang kape.  Hay! grabe saya-saya ko talaga kapag andito ako sa pinas lahat ng gusto kung pinoy pagkain andito lang hahaha syempre pinas to e, natural nandito ang pagkaing pinoy hehe. Magandang umaga ulit! have a wonderful day today!

BEER AT KROPECK

Image
Tawang-tawa ako kagabi sa asawa ko eh, kasi sabi ko dapat mag-aral na siya mag English kasi hanggang ngayon yung English niya balu-baluktot padin.  Korean kasi ang ginagamit naming komunikasyon mag-asawa, wala naman sanang problema dun kaya lang dito kami ngayon sa pilipinas nakatira kaya tinuturuan ko siya ng english at syempre tagalog din. Kagabi sabi ko isang word ng korean na bigkasin niya may limang piso ako, sabi niya ako daw sampum piso daw ang bibigay ko sa kanya kapag nag-korean ako, kaya nag-deal kami.  Ako yung nag-suggest pero ako yung maraming korean na nababanggit nasanay kasi ako, saka madaya ang asawa ko kasi hindi na nagsalita panay senyas nalang hahaha. Mga 9:30 ng gabi ginutom ako kakatawa, ayan beer at kropeck ang binanatan ko.  Yung kropeck ang laki ng packaging pero 17 pesos lang diyan sa sm supermarket.  Ang saya ng buhay walang halong kumplekasyon hehe ^_^

ALMUSAL PILIPINO STYLE

Image
Masaya na ako nito kapag ganito almusal ko sa umaga; Daing, itlog, kamatis, kanin at mainit na kape.  Feeling ko ang swerte ko at ang yaman yaman ko, ang sarap mabuhay, kapag nakakain ako ng mga ganito, thank you Lord for all the blessing.  Minsan pandesal gustong-gusto ko din i almusal.   Minsan tini take for granted natin ang buhay, minsan nasa harap na natin ang magpapasaya satin di natin ito nakikita.  Appreciate at wag seryosohin ang buhay, at i practice natin tingnan ang magaganda lang huwag yung puro pangit o kung ano yung wala sa atin.  Mag focus din tayo sa ngayon wag sa nakaraan o hinahanarap, i enjoy natin yung ngayon kasi yun yung reality eh, yung future hindi mo naman alam kung ano mangyayari.  Yung nakaraan naman ay nakaraan na di na kaya ibalik. Teka ano meron? hahaha nag-aalmusal lang ako kung san na napunta usapan hahaha kain po tayo!! ^_^

KOREAN SPICY (SUPER HOT) NOODLES

Image
Natikman niyo naba ito? sa mga korean lovers diyan sigurado ako alam na alam nila ito.  Usong-uso kasi siya tapos ginagawa pa siya ng mga youtubers na challenge.  Sabi ko sa sarili ko "halos lahat ng noodle ng korea natikman ko na pero ito hindi pa, saka yung iba sinasabi nila maanghang pero kapag natitikman ko na ok lang naman kery ko na yung anghang. Since wala kami mag-asawa sa Korea, punta nalang kami diyan sa Korean Town sa Friendship highway angeles city at hinanap ko itong noodles na ito at ayun grabeh, hindi siya maanghang, super duper as in to the highest level ang anghang, sili ata ito eh, hahaha try niyo din para malaman niyo sinasabi ko pero kung talagang trip niyo yung maaanghang na food eh baka kayanin niyo naman hehe.. kung wala kayo sa bansang Korea, sa mga korean supermarket meron nito. P.S.  Ito na ang Una at huli kong kain nito hindi na mauulit ever, ay pwede palang maulit basta bigyan ako pabuya hahahaha  gandang araw po sa inyong lahat...

GANITO BA KAYO MATULOG?

Image
Tawang-tawa ako sa picture na ito kasi akong-ako talaga, start ng pag-tulog sa unahan, yan na yan talaga, tapos pagdating ng madaling araw yang sa baba as in ganyan din, nag-rereklamo na nga asawa ko eh. hahaha kaya one time nag palit kami ng pwesto dun siya sa may gilid sa may pader, sinisiksik ko naman daw siya. hahahaha Diko alam saan ko napulot tong picture na ito, taong 2014 ko pa nga save to sa computer ko kasi pag-kakita ko tatuwa talaga ako kasi talagang parehas na parehas kami hahaha.  *credit to the owner*

LINGGO PAHINGA DAPAT PERO PAGOD

Image
Linggo, dapat pahinga relax relax pero itong linggong ito ay pagod huhu.  Gising kami mag-asawa 7 ng umaga punta kami ng palengke diyan sa pang pang market kasi every 2 week namamalengke talaga kami e gusto nanaman niya gumawa ng pata, tapos gusto niya din try gumawa ng shawarma plus wala na kaming kimchi kaya gawa din kami ng kimchi.  Ayun mag-hapon kami abala. aygu  Pero thankful pa din ako kasi isa ito sa simpleng bonding namin mag-asawa, basta mag-kasama kami tapos tulungan ang saya ko na nun plus sarap pa ng result nung mga ginawa niyang food, lalo na yung pata. hahaha Sige na po God bless you all!

DINNER DATE

Kahapon kumain kami ng asawa sa de paulo's restaurant (angeles, pampanga).  First time namin kumain dito, as usual asawa ko nanaman ang nag-aya dito mas marami pa siyang alam dito sa Pilipinas kesa sakin.  Inabot ang bill namin ng 300 plus mura na diba? tapos ang ganda pa ng ambience perfect ito para sa mga couples na gusto mag-date.  Nag-cater din sila. Wag-niyo intindihin itchura ko diyan kasi nagpa-picture ako sa asawa ko niyan eh, ayaw ko ng may flash, e yung unang shot niya madilim pero nakita ko ok naman.  Ayun nilagyan niya pa din ng flash kaya ayan bugnot ang itchura ko pero siya masayang masaya, ganyan yan e masayang inaasar ako. hayyy hahaha Ipo post ko yung buong information ng restaurant na ito sa kabila kung blog.  i add ko nalang ang link dito next time. have a wonderful day friends!

KAMOTE QUE

Image
Nung isang linggo nag-laga ako ng kamote, kaso yung kamote hindi masarap, hindi matamis at may mga ugat-ugat pa, kaya inabot siya ng isang linggo sa ref.  nung isang araw sinubukan ko durugin ang dalawang piraso lang na kamote at haluan ng itlog, try lang ba, hindi pa din masarap. Kagabi ginawa ko siyang kamote que at yun naubos namin mag-asawa.  Hindi ko masyadong tinamisan kasi ayaw ng asawa ko masyadong matamis dalawang kutsara lang ng asukal, kaya sarap na sarap lalo asawa ko.  Nakatikim na siya ng banana que at turon pero kamote que ngayon lang niya natikman haha.  Iba talaga kapag misis na noh? walang nasasayang na pag-kain kasi mapa-maraan.

6 PACK

Image
Tawang-tawa ako kagabi sa asawa ko eh, kasi nag-kwentuhan kami about sa mga naging trabaho niya nung bata pa siya.  Sabi niya 14 years old palang daw siya nag-start na daw siya mag-part time job sa isang restaurant ng chinese noodles.  Tapos nung college siya nag-part time daw siya sa isang vulcanizing shop, yun daw yung pinakamahirap na naging trabaho niya sa lahat, kasi nung bata pa siya wala pang masyadong mga machine na makakatulong sa pag-lift ng mga mabibigat na bagay, kaya sila yung nag-bubuhat.  Nung time daw na yun sa dami daw ng mabibigat na binubuhat niya nagkaroon daw siya ng 6 pack, tawa ako ng tawa kasi hindi ko ma imagine na may 6 pack siya hahahha.  Sabi ko "talaga? kaya siguro hindi ka magyadong tumangkad kakabuhat ng mabigat" hahahaha tawa kami ng tawa.  Ako din kasi eh kaya hindi na tumangkad kasi wala pa kaming gripo nung maliit kami, lagi kami inuutusan mag-igib ng tubig tuwing nag-lalaba nanay ko. hahaha Magandang Umaga po, nag-almus...

MGA PAMANGKIN KO

Image
Pinakikilala ko ang aking anim na pinakamamahal na mga pamangkin.  Yung naka pink ang panganay ang name niya ay Alexandra pero tinawag namin siya pachet kasi nung maliit pa siya hindi niya mabigas yung team song sa DORA THE EXPLORER na 'pache! pache! chocolate'' kaya hanggang ngayon yun na ang nakasanayang tawag sa kanya ng pamilya.  Paboritong apo yan at pamangkin ng both side kasi siya ang unang apo ng both side.  Yung naka block yan ang pangalawang pamangkin ko ang name niya ay AZUMI pero tawagin niyo nalang siyang yumi, may pag-ka boyish yan kasi nung pinagbubuntin yan ng mama niya akala naming lahat lalaki na pero hindi pala, mabait yan medyo minsan matampuhin nga lang mahilig mag-laro at kahit hindi nag-aaral matataas ang grade, likas na siguro sa kanya ang pagiging matalino kasi kinder palang yan dami ng medal.  Yung pangatlo kung pamangkin yung naka white ang name niya ay ALIYAH short for Iya, mabait yan malambing, pala kwento sa un...

HOLDING HANDS PARIN KAHIT SA PAG-TULOG

Magandang umaga mga friends.  Natutuwa lang ako kasi kahit na six years na kaming mag-asawa e hindi pa din nagbabago ang asawa ko o kami sa isa't-isa, kahit sa pag-tulog hawak kamay pa din kami.  Pero siyempre kapag nagtatampo ako hindi. haha kapag nakatalikod ako sa kanya matulog alam niya na may tampo ako.  Pero hindi namin pinapalipas ang araw na may tampo sa isa't-asa kakausapin agad ako niyan at tatanungin kung ano kinakatampo ko.  Ako lang naman madalas magtampo eh hahaha alam niyo na babae.   Dapat ang mag-asawa huwag ipapagpabukas pa ang tampo sa isa't isa agad agad ayusin, at huwag niyo iwawala ang lambingan sa isa't isa gaya ng holding hands, hug and kisses, minsan kasi masasanay na kayong ganon yung walang lambingan, yung iba naman sa una lang sweet habang tumatagal unti-unting nawawala hanggang sa mawala na ng tuluyan ang spark ng love niyo sa isa't isa.  Kaya may relationship siguro na kahit na 20 o 50 years pa silang mag-asawa love na l...

BIGAS-BIGAS SA LIKOD

Image
Katulad ko ba kayo na may asawang mahilig mag pa-tiris ng bigas-bigas sa likod? natutuwa lang ako kasi ito lang kaligayahan ng asawa ko haha...  nung binata pa daw siya ang ginagawa niya ikakamot sa dingding ang likod niya kapag makati o kaya kakamutin niya nung pangkamot sa likod ngayon daw na may asawa na siya mas masaya daw kasi di lang nakakamot natitiris pa ang bigas-bigas niya kaya sobrang blessed daw siya, isa daw akong angel na bumaba sa lupa para maging asawa niya.  Nakakatuwa talaga. Naalala ko noon nung maliliit pa kami magkakapatid, yung tatay ko may ganito din sa likod, at sa tuwing inuutusan kami mag-tiris may piso kami, o kaya dos kapag di masyadong nagkukuripot ang tatay ko hahahah.  Tapos nawala yung bisyong yun ng tatay ko.  Ngayon asawa ko naman ang pumalit. buhay nga naman.  ^_^

SNOW BINGSU

Image
Naihatid na namin sa terminal ng bus sa Dau ang kapatid kong si Anna at pamangkin ko.  After hatid punta kaming SM clark ng asawa ko kasi bumili kami ng gift para sa anak ng friend namin na mag bi-birthday this coming Tuesday, turning one year old, girl siya kaya ang binili namin pink dress syempre ako ang pumili hindi ko na na picturan kasi pinabalot ko na agad, free gift wrap kasi sa SM diba.  So after bili ng damit punta kami dito sa SNOW BINGSU cafe' para kumain ng korean Injeolmi bingsu as usual my husband favorite.   Pangalawang punta na namin dito.  Kung gusto niyong makita yung una click niyo lang ito --> snow bingsu  andiyan na din information katulad ng address, menu etc.  Ngayon pag-punta namin binigyan nila ako ng coupon card, dalawang stamp nalang makakamit ko na yung free pizza parang sa SNOW BUN din sa Marquee Mall, dina kami lugi kasi nga favorite namin ang bingsu, kakatuwa nga ang mga ganitong freebies eh.   After kain...

MANGGA (MANGO)

Wala akong magawa ngayong araw at sa tuwing wala akong magawa nag titingin-tingin ako ng mga picture na luma at nakita ko itong picture na ito, kinuha ko to nung apat na buwan kaming nag-bakasyon sa Pilipinas nung taong 2013 buwan ng August.  Sa sobrang pagmamahal ng asawa ko sa prutas na mangga ayan bumili kami ng isang box nasa 1000 plus lang ata ang binayaran namin nun.  Tuwang-tuwa asawa ko kasi sobrang sariwa, matamis at ang lalaki nung mangga.  Wala kasing mangga sa Korea, kung meron man import lang din sa ibang bansa kaya sobrang mahal.  Kaya dito siya bumabawi kapag nasa Pinas kami. Nung time na yun nakatira lang kami at umupa sa isang bahay na may anim na kwarto, yung isang kuwarto sa amin may maliit lang na ref, sa liit niya yung buong mangga nalang ang nakalagay hindi na nailagay yung mga inumin at iba pang binili naming pag-kain, na sakop nung mangga. Tapos yung mangga kaming dalawa lang ang naka-ubos, ay nag-bigay din kami dun sa taga-luto at taga...

RE-NEW PASSPORT 2015 STORY

Nakuha ko na yung re-new passport ko last year 2015 september pa, kwento lang ako ng konti about dito.  Tuwang-tuwa ako nung nakita ko tong re-new passport ko na nakalagay na ang apilyedo ng asawa ko, yung nauna ko kasing passport hindi pa, apilyedo ko pa ng pagkadalaga hehe.  Proud ako na maging Mrs. Baek, at buti nalang gumagamit tayo ng middle name at hindi pa din naalis ang apilyedo ng tatay ko. Ang saya ko kasi dati natutuwa ako sa mga may mag-jowa, na kahit gano katagal ang girlfriend nila may nag-aantay sa labas at ok lang sa kanila.  Sabi ko kailan ko kaya mararanasan yung ganun.  Tapos nag asikaso ako ng CFO Certificate ko nung 2010 natutuwa din ako sa mga boyfriend o asawa ng mga ka batch kung nagseminar kasi matiyagang nag-aantay sa labas ng CFO Office pero ako kahit na may asawa na wala pa din kasi kailangan ni Jeff asikasuhin nun ang papers namin sa Korea. Pero nung nag-pa renew ako nang passport saya ko lang kasi kahit gaano katagal ang pag-pro...

PAALAM SNOOPY (JANUARY 14 2016)

Namatay kaninang madaling araw yung aso namin na si Snoopy sa edad na sampung taon, pang-apat naming aso siya since maliit kami una si myla, sunod si brownie, pochie at snoopy, kahit askal lahi nun mahal namin siya.  Kaidad ng pamangkin kung si Yumie.  Si Snoopy simula palang ng pinanganak yun e pilay na, kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng girlfriend.  Inaayawan siya ng mga babaeng aso kasi pilay nga at mataba pa.   Lagi ko pinamamalaki kay Jeff na ang tagal na nun sa amin ang haba ng buhay at never pa na ospital kahit isang beses.  Sabi naman ng asawa ko aanhin mo ang mahabang buhay kung malungkot naman, sabi ko bakit malungkot? sagot niya kasi "walang girlfriend" hahaha.  Kailan lang namin napag-usapan yun tapos kanina umaga binalita ng kapatid ko na patay na.  dilat pa nga daw ang mata ipinikit lang ng asawa niya kasi yung asawa ng kapatid kung si Amy ang talagang original na may alaga kay Snoopy.  Nilibing nila sa bakur...