6 PACK

Tawang-tawa ako kagabi sa asawa ko eh, kasi nag-kwentuhan kami about sa mga naging trabaho niya nung bata pa siya.  Sabi niya 14 years old palang daw siya nag-start na daw siya mag-part time job sa isang restaurant ng chinese noodles.  Tapos nung college siya nag-part time daw siya sa isang vulcanizing shop, yun daw yung pinakamahirap na naging trabaho niya sa lahat, kasi nung bata pa siya wala pang masyadong mga machine na makakatulong sa pag-lift ng mga mabibigat na bagay, kaya sila yung nag-bubuhat.  Nung time daw na yun sa dami daw ng mabibigat na binubuhat niya nagkaroon daw siya ng 6 pack, tawa ako ng tawa kasi hindi ko ma imagine na may 6 pack siya hahahha.  Sabi ko "talaga? kaya siguro hindi ka magyadong tumangkad kakabuhat ng mabigat" hahahaha tawa kami ng tawa.  Ako din kasi eh kaya hindi na tumangkad kasi wala pa kaming gripo nung maliit kami, lagi kami inuutusan mag-igib ng tubig tuwing nag-lalaba nanay ko. hahaha

Magandang Umaga po, nag-almusal naba kayo? almusal na! hehehe

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE