KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

Sino ang batang 90's diyan? kung isa ka sa batang 90's makaka-relate ka sa kwento ko.  Naalala ko lang itong cartoon na Tom Sawyer, nag-babrowse lang kasi ako sa youtube ng makita ko ang movie ng tom sawyer, naalala ko nung highschool ako pinalabas to sa abs-cbn sa panghapon, monday to friday excited kami umuwi galing school ng kapatid kung pangatlo na si Amy para mapanood lang ito.  Pang-umaga kasi kaming dalawa kaya sa hapon kami ang sabay umuwi.  Ang bunso naming kapatid noon nasa grade 6 pang hapon at si Anna ang pangalawa 2nd year high school panghapon din, kaya kaming dalawa lang ng kapatid kung si amy magka-bonding sa hapon.  First year highschool siya at fourth year highschool ako.

Naalala ko bago mag-simula ang palabas bibili muna kami ng kapatid ko sa tindahan ng ube tinapay kapag wala bread stick partner ng pop cola syempre ambag kami sa natira naming baon, para habang nanood nag memeryenda.  Sobrang saya na namin noon.

Napaka simple ng buhay namin noon pero satisfied at masaya kahit na sa maliit lang na bagay.  Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko kasi kahit na hindi kami mayaman sobrang nasulit namin kabataan namin dahil sa mga masasaya karanasan at magagandang ala-ala na di kayang pantayan ng pera.  naks! drama sige na babosh na!.

Comments

Popular posts from this blog

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE