ISANG SALITA NA SUSI SA ISANG MASAYA AT MASAGANANG BUHAY
Sa paglalakbay ko sa buhay kung ito isa ang pinaka importanteng natutunan ko na gusto kung ibahagi din sa inyo. Isang salita na karamihan sa atin hindi manlang magawa kasi naka pokus ang utak natin sa mga problema at iba pa. Isang salita man pero malaking epekto sa ating buhay.
Yun ay ang salitang SALAMAT na alam ko naman dati pa, pero kapag magpasalamat wala sa puso. Puro reklamo pag-gising palang ng umaga, nagrereklamo dahil lunes nanaman o kahit sa simpleng reklamo lang na madaming hugasan, malaking epekto pala iyon sa buhay natin. Imbes na magreklamo dapat matutunan natin ang GRATITUDE. The more na mag pasalamat ka the more na lalapit sayo ang blessing plus you have a happier life, magpasalamat tayo kahit sa simpleng bagay lang tulad ng pag-gising sa umaga dahil dun ay may isang araw nanaman tayong pagkakataon na magagawa natin ang lahat ng gusto nating gawin sa buhay.
At ginagawa ko nga ito araw-araw sa ngayon at tama nga mas lumalapit nga ang mga blessing plus mas masaya ang life! try niyo din wala naman mawawala. At mas epektibo daw kung magpasalamat ka na hindi mo kinukumpara ang buhay mo sa iba halimbawa: "buti nga tayo may kinakain kesa sa iba". sa halip na i compare mo na mas ma-swerte ka kesa sa iba, magbigay ka nalang ng lima o kahit sampong dahilan kung bakit ka nagpapasalamat sa isang bagay na iyon. Ang ginawa ko gumawa ako ng journal o pwede mong tawaging gratitude note at everyday ko sinusulat doon ang isang bagay na ipinagpasalamat ko ng buong araw.
Halimbawa:
salamat po! dahil BROWN OUT ngayong araw kasi;
1. Maipapahinga ko ang mga mata ko kakatingin sa computer at cellphone ng isang araw
2. Magagawa ko mag general cleaning kasi brown-out nga wala magawa.
3. Makakapag-muni muni ako habang nagkakape at nakatingin sa labas ng bakuran namin.
4. Nakatipid ng kuryente.
5. At mas nakapag-kwentuhan kami ng asaw ko ng mas matagal kasi nga wala kuryente, walang tv o movie na mapanuod.
Ok po ba halimbawa ko? Isa talaga yan sa nakasulat sa Gratitude note ko kinopya ko lang. Simple as that lang po, kung ako yung dating ako noon, baka uminit na ulo ko kasi nga brown-out. Pero ika nga eh habang tumatanda mas lumalawak ang isip, pagkatao at pasensiya base sa karanasan.
Yun lang po share ko ngayong araw! tara kape na tayo! haha

AKO DIN PO KPG BROWN-OUT NA FRE FREAK OUT!
ReplyDelete