CLARK SUNVALLEY GOLF CLUB

Last Saturday galing kami dito ng asawa ko sa Clark sunvalley golf club, pero hindi para mag golf, wala naman kasi ako hilig, asawa ko medyo.  Sabi ng asawa ko punta daw kami dito para mag-pahangin, first time namin dito, nakita lang ito ng asawa ko sa Internet.  

Wala naman bayad ang pag-pasok basta hindi lang closing time, kaso nag-punta kami mga 5 na ng hapon sarado na yun, kaya nung tinanong ang asawa ko ng guard ano gagawin namin sa loob sabi ng asawa ko "pick up", pinapasok kami kahit wala naman kaming pi-pick upin, diskarte lang talaga sa buhay eh ahahaha.  Ang ganda ng view saka ang sariwa ng hangin, gusto ko ulit bumalik, libre naman eh.

Sabi nang asawa ko sana daw nagdala kami ng malamig na beer para habang pinapa-nood ang paglubong ng araw umiinom kami, ganun lang kami mag-asawa yung isang can ng beer hati na kami doon parihas kasi kaming hindi mahilig sa alak pero umiinom kami paminsan minsan.  Naalala ko kasama ang can beer sa pinamili namin bago kami mag-punta dito hindi nga lang malamig kaya ayun tingin-tingin nalang kami kahit walang beer, tapos after dito dinner kami sa Korean restaurant samgyeopsal.  Ganyan lang namin pinapalipas ang week-end relax lang matapos ng isang linggong trabaho.

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE