BIGAS-BIGAS SA LIKOD

Katulad ko ba kayo na may asawang mahilig mag pa-tiris ng bigas-bigas sa likod? natutuwa lang ako kasi ito lang kaligayahan ng asawa ko haha...  nung binata pa daw siya ang ginagawa niya ikakamot sa dingding ang likod niya kapag makati o kaya kakamutin niya nung pangkamot sa likod ngayon daw na may asawa na siya mas masaya daw kasi di lang nakakamot natitiris pa ang bigas-bigas niya kaya sobrang blessed daw siya, isa daw akong angel na bumaba sa lupa para maging asawa niya.  Nakakatuwa talaga.

Naalala ko noon nung maliliit pa kami magkakapatid, yung tatay ko may ganito din sa likod, at sa tuwing inuutusan kami mag-tiris may piso kami, o kaya dos kapag di masyadong nagkukuripot ang tatay ko hahahah.  Tapos nawala yung bisyong yun ng tatay ko.  Ngayon asawa ko naman ang pumalit. buhay nga naman.  ^_^

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE