ALMUSAL PILIPINO STYLE

Masaya na ako nito kapag ganito almusal ko sa umaga; Daing, itlog, kamatis, kanin at mainit na kape.  Feeling ko ang swerte ko at ang yaman yaman ko, ang sarap mabuhay, kapag nakakain ako ng mga ganito, thank you Lord for all the blessing.  Minsan pandesal gustong-gusto ko din i almusal.  

Minsan tini take for granted natin ang buhay, minsan nasa harap na natin ang magpapasaya satin di natin ito nakikita.  Appreciate at wag seryosohin ang buhay, at i practice natin tingnan ang magaganda lang huwag yung puro pangit o kung ano yung wala sa atin.  Mag focus din tayo sa ngayon wag sa nakaraan o hinahanarap, i enjoy natin yung ngayon kasi yun yung reality eh, yung future hindi mo naman alam kung ano mangyayari.  Yung nakaraan naman ay nakaraan na di na kaya ibalik.

Teka ano meron? hahaha nag-aalmusal lang ako kung san na napunta usapan hahaha kain po tayo!! ^_^

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE