KAMOTE QUE

Nung isang linggo nag-laga ako ng kamote, kaso yung kamote hindi masarap, hindi matamis at may mga ugat-ugat pa, kaya inabot siya ng isang linggo sa ref.  nung isang araw sinubukan ko durugin ang dalawang piraso lang na kamote at haluan ng itlog, try lang ba, hindi pa din masarap.

Kagabi ginawa ko siyang kamote que at yun naubos namin mag-asawa.  Hindi ko masyadong tinamisan kasi ayaw ng asawa ko masyadong matamis dalawang kutsara lang ng asukal, kaya sarap na sarap lalo asawa ko.  Nakatikim na siya ng banana que at turon pero kamote que ngayon lang niya natikman haha.  Iba talaga kapag misis na noh? walang nasasayang na pag-kain kasi mapa-maraan.

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE