MANGGA (MANGO)

Wala akong magawa ngayong araw at sa tuwing wala akong magawa nag titingin-tingin ako ng mga picture na luma at nakita ko itong picture na ito, kinuha ko to nung apat na buwan kaming nag-bakasyon sa Pilipinas nung taong 2013 buwan ng August.  Sa sobrang pagmamahal ng asawa ko sa prutas na mangga ayan bumili kami ng isang box nasa 1000 plus lang ata ang binayaran namin nun.  Tuwang-tuwa asawa ko kasi sobrang sariwa, matamis at ang lalaki nung mangga.  Wala kasing mangga sa Korea, kung meron man import lang din sa ibang bansa kaya sobrang mahal.  Kaya dito siya bumabawi kapag nasa Pinas kami.

Nung time na yun nakatira lang kami at umupa sa isang bahay na may anim na kwarto, yung isang kuwarto sa amin may maliit lang na ref, sa liit niya yung buong mangga nalang ang nakalagay hindi na nailagay yung mga inumin at iba pang binili naming pag-kain, na sakop nung mangga.

Tapos yung mangga kaming dalawa lang ang naka-ubos, ay nag-bigay din kami dun sa taga-luto at taga-linis nang bahay.

Nakakatuwa lang yung mga ganitong memories. nag-tanghalian naba kayo tanghalian na tayo.  ^_^

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

KOREAN SPICY (SUPER HOT) NOODLES