BEER AT KROPECK
Tawang-tawa ako kagabi sa asawa ko eh, kasi sabi ko dapat mag-aral na siya mag English kasi hanggang ngayon yung English niya balu-baluktot padin. Korean kasi ang ginagamit naming komunikasyon mag-asawa, wala naman sanang problema dun kaya lang dito kami ngayon sa pilipinas nakatira kaya tinuturuan ko siya ng english at syempre tagalog din.
Kagabi sabi ko isang word ng korean na bigkasin niya may limang piso ako, sabi niya ako daw sampum piso daw ang bibigay ko sa kanya kapag nag-korean ako, kaya nag-deal kami. Ako yung nag-suggest pero ako yung maraming korean na nababanggit nasanay kasi ako, saka madaya ang asawa ko kasi hindi na nagsalita panay senyas nalang hahaha.
Mga 9:30 ng gabi ginutom ako kakatawa, ayan beer at kropeck ang binanatan ko. Yung kropeck ang laki ng packaging pero 17 pesos lang diyan sa sm supermarket. Ang saya ng buhay walang halong kumplekasyon hehe ^_^
Comments
Post a Comment