PAALAM SNOOPY (JANUARY 14 2016)

Namatay kaninang madaling araw yung aso namin na si Snoopy sa edad na sampung taon, pang-apat naming aso siya since maliit kami una si myla, sunod si brownie, pochie at snoopy, kahit askal lahi nun mahal namin siya.  Kaidad ng pamangkin kung si Yumie.  Si Snoopy simula palang ng pinanganak yun e pilay na, kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng girlfriend.  Inaayawan siya ng mga babaeng aso kasi pilay nga at mataba pa.  

Lagi ko pinamamalaki kay Jeff na ang tagal na nun sa amin ang haba ng buhay at never pa na ospital kahit isang beses.  Sabi naman ng asawa ko aanhin mo ang mahabang buhay kung malungkot naman, sabi ko bakit malungkot? sagot niya kasi "walang girlfriend" hahaha. 

Kailan lang namin napag-usapan yun tapos kanina umaga binalita ng kapatid ko na patay na.  dilat pa nga daw ang mata ipinikit lang ng asawa niya kasi yung asawa ng kapatid kung si Amy ang talagang original na may alaga kay Snoopy.  Nilibing nila sa bakuran namin.

Rest in Peace Snoopy.  Mamimis ka namin, at sana sa susunod na buhay mo makatagpo ka ulit na mabait na parents at sana mas humaba pa ang buhay mo.  Paalam! ngayon ko lang napagtanto wala pala akong picture niya.

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE