KOREAN SPICY (SUPER HOT) NOODLES

Natikman niyo naba ito? sa mga korean lovers diyan sigurado ako alam na alam nila ito.  Usong-uso kasi siya tapos ginagawa pa siya ng mga youtubers na challenge.  Sabi ko sa sarili ko "halos lahat ng noodle ng korea natikman ko na pero ito hindi pa, saka yung iba sinasabi nila maanghang pero kapag natitikman ko na ok lang naman kery ko na yung anghang.

Since wala kami mag-asawa sa Korea, punta nalang kami diyan sa Korean Town sa Friendship highway angeles city at hinanap ko itong noodles na ito at ayun grabeh, hindi siya maanghang, super duper as in to the highest level ang anghang, sili ata ito eh, hahaha try niyo din para malaman niyo sinasabi ko pero kung talagang trip niyo yung maaanghang na food eh baka kayanin niyo naman hehe.. kung wala kayo sa bansang Korea, sa mga korean supermarket meron nito.

P.S.  Ito na ang Una at huli kong kain nito hindi na mauulit ever, ay pwede palang maulit basta bigyan ako pabuya hahahaha  gandang araw po sa inyong lahat! ^_^

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE