PINAKAMASARAP NA STRAWBERRY

Alam niyo ba guys kung saan ko natikman ang pinakamasarap na strawberry?... oops! mali kayo hindi sa Baguio kung hindi sa South Korea, kung saan-saang bansa na kami nakarating mag-asawa at natikman ko din ang mga strawberry nila walang kasing tulad ang sa Korea, nakakatuwa ang strawberry nila ang lalaki at juicy na super duper tamis pa.

Naalala ko pa nung bata pa ako, mga elementary days ko, nakakatikim lang ako ng strawberry kapag palaman sa tinay (strawberry jam) o kaya strawberry flavor ng mga biskwet, sarap na sarap na ako nun, one time nakarating ang tatay ko ng baguio, nag-uwi siya ng madaming strawberry maliliit yung size niya tapos pagkagat ko maasim pero yung amoy strawberry talaga, sabi ko sa tatay ko "ay hindi pala masarap ang tunay na strawberry?" kasi ang pagkaka-alam ko sa strawberry e matamis at juicy gaya ng nakikita ko sa mga picture.

Yung nakikita ko sa picture at pagkaka-alam kung lasa ng strawberry ay sa Korea ko natikman, tuwing panahon ng spring ako nakakatikim nito nung nasa Korea pa ako.  Hinahanap-hanap ko siya buti nalang sa March 2016 uuwi kami ng Korea, isang linggo nga lang pero atleast makakain ko siya, kakain ako ng madami at ikakain ko na din kayo.

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE