HOLDING HANDS PARIN KAHIT SA PAG-TULOG

Magandang umaga mga friends.  Natutuwa lang ako kasi kahit na six years na kaming mag-asawa e hindi pa din nagbabago ang asawa ko o kami sa isa't-isa, kahit sa pag-tulog hawak kamay pa din kami.  Pero siyempre kapag nagtatampo ako hindi. haha kapag nakatalikod ako sa kanya matulog alam niya na may tampo ako.  Pero hindi namin pinapalipas ang araw na may tampo sa isa't-asa kakausapin agad ako niyan at tatanungin kung ano kinakatampo ko.  Ako lang naman madalas magtampo eh hahaha alam niyo na babae.  

Dapat ang mag-asawa huwag ipapagpabukas pa ang tampo sa isa't isa agad agad ayusin, at huwag niyo iwawala ang lambingan sa isa't isa gaya ng holding hands, hug and kisses, minsan kasi masasanay na kayong ganon yung walang lambingan, yung iba naman sa una lang sweet habang tumatagal unti-unting nawawala hanggang sa mawala na ng tuluyan ang spark ng love niyo sa isa't isa.  Kaya may relationship siguro na kahit na 20 o 50 years pa silang mag-asawa love na love pa din nila ang isa't isa, isa din siguro yun sa sekreto nila.

sa six years namin never pa kaming nag bangayan sa isa't isa, oo tampuhan siyempre madalas minsan away din pero hindi sigawan na parang mag-kaaway lang at hindi mag-asawa at kahit nag-aaway kami hindi namin binabangit na "mag-hiwalay na tayo"  yung iba kasi ganun minsan dahil lang din sa galit kaya nila nasasabi yun, pero alam niyo ba na ang bawat binibigkas niyo ay minsan malaking epekto sa buhay, minsan pa nagkakatotoo tuloy.  Naalala ko isa yan sa mga ipinangako namin sa isa't isa nung nag propose sakin ang asawa ko na 'kahit daw anong galit namin sa isa't isa huwag na huwag daw namin babanggitin ang salitang; "divorce" o "hiwalay", tinanim ko yun sa isip ko kaya yun.

Para sa akin Marriage ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko.  Meron nako asawa, kuya, at best-friend na din.  Kayo share niyo din sakin ano experience niyo ng buhay may asawa.

sige na mga friend spread the love. hahaha!

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

PANSIT CANTON, TINAPAY AT KAPE