PAANO MAGING MASAYA?

Lagi tayo nag-tatanong sa sarili natin paano ba maging masaya? search ng search sa google, hanap ng hanap sa labas pero hindi matagpuan.  Alam ko ang saktong pakiramdam kasi isa ako sa mga taong yun.  Pero na realize ko na hindi sa labas nakikita ang kasiyahan, hindi sa ibang tao, at lalong hindi sa materyal na bagay.

Marami sa atin kayod ng kayod buong buhay nila nakulong na sila sa trabaho nila, para makabili ng mga materyal na bagay na akala nila ikasasaya nila pero kapag nakuha na nila sasabihin nila sa sarili nila "ah ito na to?" sa una oo masaya sobrang exciting pero pagkalipas ng ilang araw malungkot na ulit.  Ang materyal na bagay ay pansamantala lang, hindi siya magbibigay ng tunay na kasiyahan sa tao.

Ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan sa sarili niyo mismo, sa loob niyo, hindi sa labas o materyal na bagay.  Ang kaligayahan ay simple lang hindi mo kailangan magpakahirap para makuha ito.

Dati isa din ako sa taong hanap ng hanap ng kaligayahan sa labas, pero siguro habang nag-kaka edad ka ay lumalawak ang pananaw mo sa buhay.  Ngayon araw-araw ako bumabangon na masaya, kahit sa simpleng pag-higop lang ng kape, pag-hinga ng malalim, at paggawa ng mga bagay na ikinasasaya ko, gaya nalang nitong blog at marami pang iba.  Sundin niyo kung ano ang nasa puso niyo at kung ano ang alam niyo na magpapasaya sa inyo.

Kumain ng masusustansiyang pagkain, hindi yung puro fast food ang laman ng tiyan.  Malaking epekto sa pag-katao natin ang pag-kain, kailangan natin ng energy sa katawan para ma feel natin ang sigla, mag-exercise tayo, yoga o kahit simpleng stretching lang.  Minsan try niyo pumunta sa nature, sa park na may mga puno nakakarelax yan, lalo na kung may marinig pa kayong mga huni ng ibon.

Appreciate life magpasalamat araw-araw na binigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon mabuhay para magawa lahat ng gusto natin, huwag niyo sayangin ang pagkakataong yun.  konti lang ang ilalagi natin dito sa mundo huwang niyong sayangin sa lungkot ang daming pwedeng gawin na magpapasaya sa atin.  at lagi niyong tingnan ang magandang side ng mundo hindi yung pangit.  Sa pagdaan ng panahon mare-realize niyo nalang sa sarili niyo na kuntento na kayo at masaya.  Huwag natin limitahan ang life natin gawin niyo ang gusto niyong gawin kasi ang buhay ay hindi limitado.

Enjoy everyday always smile! be happy!  

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

KOREAN SPICY (SUPER HOT) NOODLES