SNOW BINGSU

Naihatid na namin sa terminal ng bus sa Dau ang kapatid kong si Anna at pamangkin ko.  After hatid punta kaming SM clark ng asawa ko kasi bumili kami ng gift para sa anak ng friend namin na mag bi-birthday this coming Tuesday, turning one year old, girl siya kaya ang binili namin pink dress syempre ako ang pumili hindi ko na na picturan kasi pinabalot ko na agad, free gift wrap kasi sa SM diba.  So after bili ng damit punta kami dito sa SNOW BINGSU cafe' para kumain ng korean Injeolmi bingsu as usual my husband favorite.  

Pangalawang punta na namin dito.  Kung gusto niyong makita yung una click niyo lang ito --> snow bingsu andiyan na din information katulad ng address, menu etc.  Ngayon pag-punta namin binigyan nila ako ng coupon card, dalawang stamp nalang makakamit ko na yung free pizza parang sa SNOW BUN din sa Marquee Mall, dina kami lugi kasi nga favorite namin ang bingsu, kakatuwa nga ang mga ganitong freebies eh.  

After kain ng bingsu, punta kami sa paborito naming tambayan every week sa fourteen o'five wellness massage spa para mag pa massage kung pwede nga lang araw araw eh kaso di pwede kasi linggo lang ang pwede.  

Kayo din mga friend treat niyo din sarili niyo nasa inyo kung ano gusto niyo, pwedeng magpagupit, pa nail polish, kain ng masarap etc.  massage kasi ang trip namin mag-asawa eh.  Isa lang ang life natin, minsan lang mabuhay wag natin pagdamutan ang mga sarili natin hindi yung puro trabaho nalang, minsan relax relax din.

sige na masyado nang mahaba kwento ko hehehe Miryenda na tayo!

Comments

  1. nakita ko na ang link ;)

    ReplyDelete
  2. BIGLA AKO NAGCNG SA MESSAGE MO SA HULI TAMA KA MINSAN NAKAKALIMUTAN NTIN SRILI NATIN, DPAT NGA UNA NATING MAHALIN SRILI NATIN SUNOD NLANG ANG IBA. SALAMAT SYO! GOD BLESS YOU

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks sa pag-bisita sa aking munting blog ^_^

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

KOREAN SPICY (SUPER HOT) NOODLES