RE-NEW PASSPORT 2015 STORY

Nakuha ko na yung re-new passport ko last year 2015 september pa, kwento lang ako ng konti about dito.  Tuwang-tuwa ako nung nakita ko tong re-new passport ko na nakalagay na ang apilyedo ng asawa ko, yung nauna ko kasing passport hindi pa, apilyedo ko pa ng pagkadalaga hehe.  Proud ako na maging Mrs. Baek, at buti nalang gumagamit tayo ng middle name at hindi pa din naalis ang apilyedo ng tatay ko.

Ang saya ko kasi dati natutuwa ako sa mga may mag-jowa, na kahit gano katagal ang girlfriend nila may nag-aantay sa labas at ok lang sa kanila.  Sabi ko kailan ko kaya mararanasan yung ganun.  Tapos nag asikaso ako ng CFO Certificate ko nung 2010 natutuwa din ako sa mga boyfriend o asawa ng mga ka batch kung nagseminar kasi matiyagang nag-aantay sa labas ng CFO Office pero ako kahit na may asawa na wala pa din kasi kailangan ni Jeff asikasuhin nun ang papers namin sa Korea.

Pero nung nag-pa renew ako nang passport saya ko lang kasi kahit gaano katagal ang pag-process ko ng passport nung nag parenew ako matiyaga naman nag-aantay ang asawa ko sa labas o diba di natupad din ang munti kung pangarap.  Mababaw lang talaga kasi kaligayahan ko eh.  Bigla ko lang naalala yung dating pangarap kung yun kaya ako napa-kwento nang konti. hahaha

Kita tayo ulit sa susunod! ^_^

Comments

Popular posts from this blog

KALIGAYAHANG DULOT NI TOM SAWYER

MGA PAMANGKIN KO

KOREAN SPICY (SUPER HOT) NOODLES