Posts

Showing posts from April, 2016

PAKWAN SA TAG-INIT (tagalog blog)

Wah! ang laking pakwan nito at sobrang tamis pa.  Diyan namin binili malapit sa Pang Pang market (Angeles City, Pampanga) ang ganito kalaki 350 pesos pero tinawaran namin kaya binigay sa amin ni ate ng 300 pesos nalang.  May mas malaki pa dito halagang 400 pesos.  Pangatlong bili na namin kay ate kaya suki na niya kami kaya pinipilian niya kami ng talagang matamis at hindi talaga masasayang ang pera namin.  Kaya yun binabalik-balikan namin siya mag-asawa. Gustong gusto ko ito lalo na ngayong tag-init (summer) pang tanggal ng uhaw kesa uminom ng softdrink ito natural pa.  Kung malapit kayo sa Angeles City at nagagawi kayo sa Pang Pang Market puntahan niyo si ate.  Madali makita tindahan niya kasi siya lang ang nagtitinda ng maramihan talaga at malalaking pakwan. Sige gang dito nalang have a nice day!

PAANO MAGING MASAYA?

Lagi tayo nag-tatanong sa sarili natin paano ba maging masaya? search ng search sa google, hanap ng hanap sa labas pero hindi matagpuan.  Alam ko ang saktong pakiramdam kasi isa ako sa mga taong yun.  Pero na realize ko na hindi sa labas nakikita ang kasiyahan, hindi sa ibang tao, at lalong hindi sa materyal na bagay. Marami sa atin kayod ng kayod buong buhay nila nakulong na sila sa trabaho nila, para makabili ng mga materyal na bagay na akala nila ikasasaya nila pero kapag nakuha na nila sasabihin nila sa sarili nila "ah ito na to?" sa una oo masaya sobrang exciting pero pagkalipas ng ilang araw malungkot na ulit.  Ang materyal na bagay ay pansamantala lang, hindi siya magbibigay ng tunay na kasiyahan sa tao. Ang tunay na kaligayahan ay matatagpuan sa sarili niyo mismo, sa loob niyo, hindi sa labas o materyal na bagay.  Ang kaligayahan ay simple lang hindi mo kailangan magpakahirap para makuha ito. Dati isa din ako sa taong hanap ng hanap ng kaligayaha...

THE LIFE CHANGING MAGIC OF TIDYING UP (tagalog blog)

Image
Guyz share ko lang itong napakinggan ko sa youtube, para doon sa hindi pa nakaka-alam o nakakabasa nito, try niyo, malaki ang mawawala sa inyo kapag hindi niyo basahin ang libro na ito.  Nung napakinggan ko siya sa Audio, dali-dali kung pumunta sa kabinet ko para tingnan yung mga gamit ko at iligpit, at tama marami sa atin kabilang na ako ang kahit di kailangan o nagagamit nakatambak lang ang gamit o damit, tapos bili ng bili kahit di kailangan.  Basta basahin niyo malaki mababago sa life niyo. ito yung you tube audio niya: